Hindi itinanggi ni David Licauco na naging crush nito ang kapwa Kapuso na si Arra San Agustin.
Noong March 8, 2023, kinumpirma ni Arra sa interview nito kay Boy Abunda para sa Kapuso showbiz talk show na Fast Talk with Boy Abunda na umabot sila sa maiksing talking stage ni David noong sila ay nag-aaral pa lang sa college.
Kuwento ni Arra, "Si David po kasi since college, kilala ko na po siya, tapos yung cousin niya naging classmate ko rin sa La Salle.
"So, nung college, parang nagkaroon lang ng time na…
"Parang nagkaroon lang ng time na nag-usap lang kami for a while. Sobrang bilis lang po, parang nawala na rin."
Dagdag pa ng Mga Lihim Ni Urduja star, "Alam mo na, college, maraming distractions masyado, e, ang dami naming ginagawa."
Sa grand opening ng biggest store ng Skechers sa Glorietta 3, Makati City, noong March 9, 2023, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si David tungkol sa rebelasyon ni Arra.
Kinumpirma ni David ang naging nakaraan nila ni Arra, at inamin niyang naging crush niya ang aktres.
Lahad niya, "First time ko makita si Arra was in 2012, college.
"So, nakita ko siya sa isang restaurant sa La Salle tapos, yeah...
"I mean, lahat naman ng tao sa La Salle before nagagandahan naman talaga sa kanya.
"So yun, when I saw her, naging crush ko siya that time.
"Siyempre nagandahan ako sa kanya."
Kuwento ni David, siya ang nag-first move at nag-message kay Arra noong panahon na iyon.
Pagbabalik-tanaw niya, "Naalala ko yung friend ko, sabi sa akin, 'Uy, meron akong crush sa La Salle.'
"Kasi hindi ko alam pangalan niya, e, sabi ko, 'Oh, talaga sino?'
"Tapos pinakita niya sa akin yung picture ni Arra nga, tapos pagkakita ko, 'Uy, eto yung nakita ko sa isang restuarant sa Taft, ah...'
"So, yun, in-add ko lang sa Facebook [laughs]."
Hindi naman nauwi sa mas malalim na relasyon ang kanilang pagkakaibigan dahil gaya ng sabi ni Arra, naging busy sila pareho sa kani-kanilang mga ginagawa.
Huling nagkausap sina David at Arra noong 2019 pa, nang mag-guest si David sa lifestyle show ng Kapuso actress na Taste MNL.
Looking forwrad pa rin naman si David na makakuwentuhan si Arra kung sakaling magkita sila.
Aniya, "I haven’t spoken to her since 2019 nung nag-guest ako sa show niya...
"But, yeah, I want to see her siyempre, kumbaga, maganda din yung nakita mo yung mga taong kakilala mo from way back, e.
"Pag-usapan namin yung mga, 'Kamusta yung showbiz?' Mga ganyan."
Unang inamin ni David na "type" nito si Arra noong April 2018 nang matanong ito tungkol dito sa isang segment ng now-defunct Kapuso morning talk show na Mars.
Sabi sa tanong: "Totoo bang type mo si Arra San Agustin?"
Hindi naman agad na nakasagot si David pero pag-amin nito: "Oo naman, Oo naman."
Samantala, bukod kay David ay trending din ang younger brother niyang si James Licauco na kabilang sa Ateneo Men's Volleball Team.
Gaya ni David, pinuri rin ng netizens ang good looks ni James, at kalauna'y tinagurian itong "Pambansang Bayaw," na hango sa bagong titulo ng Kapuso actor na "Pambansang Ginoo."
Bukod kay James, may nakababatang kapatid na babae rin si David na ang pangalan ay Jean. Miyembro naman ng Ateneo women's volleyball team si Jean.
Malambot ang puso ni David pagdating sa kanyang mga kapatid.
Aniya, "I super love my siblings talaga so... Ayan, naiiyak ako."
Binalikan din nito ang kanyang proud moment as a kuya kina James at Jean.
Mangiyak-ngiyak nga raw ito nang makita ang mga kapatid suot ang kanilang mga volleyball jersey.
Kuwento ni David, "So, ayun, parang yung moment na nakita ko yung kapatid kong dalawa, talagang lumabas ako, naiyak talaga ako.
"Kasi parang nag-flashback lahat kasi every day ko sila nakikita, e.
"Parang for them to, like, have fun, doing their... living their dreams to be in the UAAP is a big deal.
"Not just for me, but for them, so talagang tuwang-tuwa talaga ako na ganun kaya naiyak ako.
"So every time na naiisip ko yun, naiiyak ako, ngayon nga muntik na, pinigilan ko lang."
Nagkaroon din ng maiksing experience si David bilang college varsity.
Dalawang taon din siyang naging miyembro ng basketball team ng De La Salle - College of St. Benilde noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang.
Kuwento nito, "I played for CSB for like two years, yeah, but that stopped for a reason yun, so kaya ako nag-artista."
Una nang naikuwento sa PEP.ph ni David ang traumatic experience niy kung bakit hindi natuloy ang kanyang basketball dream.
Bago pa pumasok si David sa showbiz, naaksidente siya kasama ang kanyang mga kaibigan na naging sanhi ng pagpanaw ng kanyang best friend.
READ MORE: